15-anyos todas sa gang war

MANILA, Philippines — Isang 15-anyos na binatilyo ang nasawi habang isa pang menor-de-edad ang ma­lubhang nasugatan maka­raan silang pagsasaksakin ng mga miyembro ng kalabang gang sa Brgy. Poblacion Uno, Bansalan, Davao del Sur, Linggo ng madaling araw. Kinilala ni P/Major Rodante Varona, hepe ng pulisya, ang mga biktima na sina Welmar Arapok na idineklarang dead-on-arrival sa Mabama Doctors Hospital matapos magtamo ng maraming saksak sa iba’t ibang parte ng katawan at isang itinago sa pangalang Gabriel, 13-anyos, na agaw-buhay sa Davao del Sur Provincial Hospital; pawang residente ng Cosmos Street, Brgy. Poblacion Dos, Bansalan. Nangyari ang pag-atake sa dalawang kabataan sa isang abandonadong bahay sa lugar bandang alas-4:00 ng mada­ling araw. 

Show comments