^

Probinsiya

Anak na babae, binistay ng bala ng ama

Joy Cantos, Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
Anak na babae, binistay ng bala ng ama
Sa report ni Cavite Provincial Police Office (PPO) Director Police Colonel William Segun, kinilala ang nasawi na si Mariel Imatong Ronquillo, 42-anyos, may asawa at residente ng Brgy. Punta 1, Tanza ng lalawigan.
File

MANILA, Philippines — Umabot sa sukdulan ang galit ng isang 65-anyos na ama nang pagbabarilin hanggang sa mapatay nito ang sariling anak na babae makaraan ang kanilang mainitang pagtatalo sa loob ng kanilang tahanan sa Tanza, Cavite kamakalawa ng hapon.

Sa report ni Cavite Provincial Police Office (PPO) Director Police Colonel William Segun, kinilala ang nasawi na si Mariel Imatong Ronquillo, 42-anyos, may asawa at residente ng Brgy. Punta 1, Tanza ng lalawigan.

Ang biktima ay nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan at ulo na siya nitong dagliang ikinamatay.

Nahaharap naman sa kasong parricide ang suspek na si Tito Imatong, ng nasabing lugar.

Bago ang krimen, narinig ng mga kapitbahay ang murahan ng mag-ama at kalabugan sa kanilang tahanan matapos ang mainitang pagtatalo na madalas umano nilang ginagawa.

Sa tindi ng galit, nagdilim umano ang pani­ngin ng matanda na agad na kinuha ang kanyang armas at pinaputukan nang sunud-sunod ang anak na duguang bumulagta.

Narekober ng mga nag­respondeng pulis sa comfort room ang duguang damit ng suspek habang ang biktima ay 10 oras nang patay nang madatnan ng mga imbestigador.

vuukle comment

PAGBABARILIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with