Nigerian, lover sakote sa droga

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Kapwa ina­resto ang isang Nigerian national at lover nitong Pinay matapos silang matiklo sa isinagawang buy-bust operation sa San Jose City, Nueva Ecija kamakalawa.

Kinilala ni Staff Sergeant Mark Joseph Vitalista ang mga nasakote na sina Linoh Jonah, 34-anyos, isang Nigerian at Claridet Del Mundo, 41, may asawa at kapwa taga Pillar Village, Las Piñas City.

Ayon kay Vitalista, agad na dinakma ng mga undercover agents ang magkalaguyo matapos iabot ang isang sachet ng shabu sa gilid ng highway sa Brgy. Abar 1st.

Tatlo pang sachet ng droga ang nasamsam sa dalawa habang sila ay sinisiyasat, dagdag ni Vitalista. 

Nabatid na isa ring IT expert ang Nigerian na nasasangkot sa iba’t ibang kaso ng online scams.

Show comments