2 ‘tulak’ utas sa buy-bust

SAN JOSE DEL MONTE CITY, Philippines – Dalawang tulak ang napatay ng Drug Enforcement Unit ng siyudad na ito samantalang dalawa naman ang naaresto sa magkahiwalay na buy-bust operation sa siyudad na ito kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Lt. Col. Orlando Castil Jr., hepe ng San Jose Del Monte police ang dalawang napatay na tulak na sina Arnel Moseños, ng Blk. 10, Brgy. Gumaoc West at isang alias Gerald ng Brgy. Kaypian, pawang sa San Jose Del Monte City, Bulacan. Naaresto naman ang mga suspek na sina Dante Malate, 56-anyos, driver at Kevin John Dimal, 23, binata; kapwa ng Brgy. Kaypian, nasabi ring lungsod. Napatay si Moseños dakong alas-12:30 ng madaling araw habang si alias Gerald ay napatay dakong ala-1:15 ng madaling araw matapos na umano’y makipagbarilan sa mga pulis. Narekober sa mga suspek ang ‘di pa matiyak na bilang ng plastic sachet ng shabu, buy-bust money at mga drug paraphernalia.

Show comments