90-days suspension vs Gov. Catamco, isinilbi
MANILA, Philippines — Isinilbi na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang 90-days suspension order laban kay North Cotabato Governor Nancy Catamco sa mismong opisina nito sa Provincial Capitol, Amas, Kidapawan City noong Huwebes.
Ang suspension order ay tinanggap ng kapatid ng gobernadora na si Dr. Aldrin Catamco alas-4 ng hapon.
Matatandaang isinasangkot ang gobernadora sa graft at malversation charges kaugnay sa diumano’y pagsu-supply ng overpriced fertilizers sa Poro, Cebu noong 2004, noong panahon na hindi pa siya nasa pulitika. Kasama sa mga idinadawit sa nasabing kaso ay ang dating alkalde na si Orville Fua ng Lazi, Siquijor. Ang kaso ay inihain ng Ombudsman sa Sandiganbayan.
Inaasahang hahalili sa posisyon ni Catamco si North Cotabato Vice Governor Lala Mendoza.
- Latest