Road mishap: 1 dedo, 1 kritikal

LUCENA CITY, Philippines — Patay ang isang rider habang malubhang nasugatan ang kanyang angkas makaraang bumangga ang kanilang si­nasakyang motorsiklo sa tagiliran ng isang sports Utility Vehicle (SUV) sa diversion road sakop ng Brgy. Domoit, lungsod na ito kamakalawa ng umaga.

Basag ang bungo at nagkasugat-sugat ang katawan ni Junrey Palacio, 27, cons­truction worker ng Ilayang Talim samantalang ginagamot sa Quezon Medical Center (QMC) ang kapwa niya obrero na si Juvy Alvazan.

Ayon sa ulat ni P/Lt. Col. Reydante Ariza, chief of police dito, dakong alas-8:30 ng umaga ay pakaliwa sa Calmar Homes Subdivision ang Mitsubishi Montero (PTI-748) ng contractor na si Ariel Asinas nang mabangga ito sa gawing kanan ng motorsiklo na Pagbilao, Quezon bound ng mga biktima. Kapwa tumilapon ang mga biktima at bumagsak sa kalye.

Ayon sa mga kawani ng Quezon Disaster Risk Reduction na rumesponde, walang helmet na suot ang mga biktima at wala ring lisensya sa pagmamaneho ang driver.

Show comments