Kinilala ng Peñablanca Police ang nasawi na si Jade Mark Tumaliuan, 15-anyos at residente ng Zone 7, Brgy. Camasi, Peñablanca, Cagayan.
Estudyante nilamon ng ilog!
Raymund Catindig, Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - August 6, 2019 - 12:00am

Sa pagsagip sa naanod na tsinelas

SANTIAGO CITY, Isabela  , Philippines  —   Isang Grade 9 student ang nasawi matapos lamunin ng ilog nang tangkaing sagipin ang naanod na tsinelas ng kaklase habang nagsasagawa sila ng group project sa Peñablanca, Cagayan, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ng Peñablanca Police ang nasawi na si Jade Mark Tumaliuan, 15-anyos at residente ng Zone 7, Brgy. Camasi, Peñablanca, Cagayan.

Sa imbestigasyon, dakong alas-9:30 ng umaga nitong Sabado nang magpaalam ang biktima sa kanyang ama na si Joseph Tumaliuan na tatapusin lang umano nila ang kanilang group project na may senaryong “Anak ng Pasig” kasama ang ibang mga kaklase  na kanilang gagawin sa isang quarry site malapit sa Josefa Bridge ng Barangay Camasi, Peñablanca, Cagayan.

Nabatid na nagtu­ngo ang magkakaklase sa quarry site upang pagmasdan at gawan ng reaksiyon ang ka­lagayan at pagsagip sa Pinacanauan River dahil sa epekto ng quarrying nang tangkain nitong sundan at kunin ang naanod na tsinelas ng kaklase dakong alas-11:30 ng tanghali.

Ayon sa report, nahu­log ang biktima sa bahagi ng tubig na pinag­sagawaan ng pag­huhukay ng buhangin na lumalim dahil sa pag uulan.

Nabatid na walang marunong lumangoy sa mga kasamahan ni Tumaliuan kaya’t lumutang na lamang Ito sa tubig nang makarating ang tulong.

Isinugod ng mga sumaklolo ang biktima sa Cagayan Valley Medical Center subalit idineklara siyang dead-on-arrival.

DROWNED
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with