Mister natulog sa kalsada, lasog
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - July 22, 2019 - 12:00am

Legazpi City, Albay, Philippines — Nalasog ang katawan at namatay habang ginagamot sa Bicol Medical Center ang isang 50-anyos na lalaki makaraang masagasaan habang natutulog sa tabi ng kalsada ng Brgy. Balagbag, Milaor, Camarines Sur kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Marcelino Gares Jr., residente ng Zone-3 ng nasabing barangay. Sumuko naman ang rider ng nakasagasang motor na si Ruter Vera, 48-anyos. Sa ulat, dakong alas-11 ng gabi sa hindi malamang dahilan ay nahiga at nakatulog sa tabi ng kalsada ang biktima.

Gayunman, dahil sa dilim ng kalsada ay hindi napansin ng suspek ang tulog na biktima kaya nito nahagip at nasagasaan. Agad na isinugod sa ospital sa Naga City ang biktima pero namatay habang nilalapatan ng lunas.

LEGAZPI CITY ALBAY ROAD MISHAP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with