Magdyowa tiklo sa P.5-M shabu

CAVITE  , Philippines  —  Arestado ang umano’y magkasintahan na high value target (HVT) matapos mahulihan ng P.5 milyong shabu sa drug bust operation kamakalawa ng gabi sa Brgy. Paliparan 1, Dasmariñas City.

Kinilala ni P/Major Romulo Co Dela Rea ang mga suspek na sina Edgardo Sarimos alias Pisman, 52, dati na umanong nakulong sa pagtutulak ng droga at residente ng Sitio Niogan, Brgy. Paliparan 1, Dasmariñas City, at Carissa Lagman, 19, ng Phase 1B, Block 48, Brgy. Acacia, Silang, Cavite.

Ayon kay Major Dela Rea, nakipag-coordinate umano sila kay P/Supt. Nerwin Ricohermoso, hepe ng Dasmariñas City Police hinggil sa lugar nito nagtago ang kanilang target. Kasama ang ilang miyembro ng PDEA at grupo ni Col. Ricohermoso, alas-11:00 ng gabi, ikinasa ang buy-bust laban kay Sarimos sa Brgy. Paliparan 1 at isang tauhan ng SDEU-GMA Police ang tumayong poseur buyer at nakipag-deal sa suspek. Habang nag-aabutan ng droga at marked money, dito na dinakma si Sarimos kasama ang nobya na pinagbitbit nito ng ilang shabu.    

Show comments