^

Probinsiya

Ex-tserman itinumba sa fruit stand

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Ex-tserman itinumba sa fruit stand
Ang nakabulagtang dating barangay chairman na si Edwin Guiamalon matapos na pagbabarilin ng ‘di kilalang salarin habang bumibili sa isang fruit stand sa Tacurong City, Sultan Kudarat kamakalawa.
Rhoderick Beñez

NORTH COTA­BATO, Philippines  —  Pinabulagta ng ‘di pa kilalang gunman ang isang dating punong barangay na unang­ nadawit sa illegal na droga, habang namimili ng prutas sa isang fruit stand sa Brgy. Buenaflor, Tacurong City, Sultan Kudarat, Linggo ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Edwin Guiamalon, dating punong barangay ng Midpandakan, Gene­ral Salipada K Pendatun, Maguindanao at kasalukuyang nakatira sa Brgy. New Isabela, Tacurong.

Ayon kay Lt. Col. Joel Siason, hepe ng Ta­curong Police, alas-5:15 ng hapon habang bumibili ng prutas ang dating opisyal nang lapitan at pagbabarilin ng suspek. Agad na nasawi ang biktima dahil sa mga tama ng bala ng baril sa katawan.

Sa rekord, matatandaang nahuli sa anti­illegal drug operation si Guiamalon ng Tacurong Police at ng Anti-Illegal Drug Special Operation Task Force Group sa New Isabela sa nasabing syudad noong 2016. 

vuukle comment

EDWIN GUIAMALON

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with