Drug suspect dedo sa shootout

NUEVA ECIJA – Patay ang isang hinihi­nalang sangkot sa droga sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation ng Guimba Police sa Chili Traveler’s Inn sa nasa­bing bayan kahapon ng madaling-araw.

Nakilala ang suspek na si Reyben de Guzman, ng Brgy. San Rafael, Guimba, NE. Ayon kay P/Lt. Col. Salvador S. Destura Jr., hepe ng pulisya rito, nagsagawa ng buy-bust operation ang kanyang mga tauhan sa Brgy. Bacayao, Guimba bandang alas-4:45 ng madaling-araw nang makatunog umano ang suspek na pulis ang katransaksyon kaya’t mabilis siyang nagsara ng pinto sa kuwarto ng naturang Traveler’s Inn.

Agad na binuksan ng mga pulis ang silid subalit tumambad sa kanila ang nakatutok na armas ng suspek.

Sinubukang paputukan ng suspek ang mga pulis subalit pumalya ang baril hanggang sa siya ang mabaril na kanyang ikinasawi.

 

Show comments