Dating pari tiklo sa droga

Kinilala ang nadakip na si John Baring Ferolin, 42-anyos at residente ng Brgy. Lower Katingawan, Midsayap, North Cotabato.

NORTH COTABATO , Philippines  —   Arestado ang isang dating pari na umano’y tulak ng illegal na droga sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa loob ng isang kainan sa Pamilihang Bayan ng Matalam, kahapon ng hapon.

Kinilala ang nadakip na si John Baring Ferolin, 42-anyos at residente ng Brgy. Lower Katingawan, Midsayap, North Cotabato.

Sa ulat na nakara­ting kay Police Major Joseph Brian Placer, hepe ng Matalam Police, ikinasa ang buy-bust sa suspek alas-2:05 ng hapon matapos na bentahan umano ng suspek ng droga ang isang undercover na agent ng PDEA.

Nakuha sa suspek ang isang piraso ng sachet ng shabu at ilang drug paraphernalia.

Ang suspek ay tumiwalag at umalis sa pagka-pari sa Mission Society of the Philippines at nakulong dahil din sa kasong illegal na droga noong 2016.

Show comments