‘Karnaper’ todas sa shootout!

NORTH COTABATO  , Philippines  —  Napatay sa shootout ang isang pugante na sinasabing responsable sa pagnanakaw ng motorsiklo nang makipagbarilin sa mga pulis sa Purok Spring, Barangay, Morales, Koronadal City, South Cotabato kamakalawa.

Kinilala ni Koronadal City Police chief P/Col. Rey Egas ang napatay na umano’y karnaper sa syudad na si Henry Salinogan Pendatun matapos umanong manlaban sa mga awtoridad na humahabol sa kanya dakong alas-8:30 ng gabi.

Sa imbestigasyon, si Pendatun na kilala rin na “Patok Dawata” at nakatira sa SK Pendatun, Maguindanao ay isa sa mga preso na nakatakas sa jail break sa North Cotabato District Jail noong Enero 4, 2017.

Siya ay may mga kasong Illegal posession of firearms sa North Cotabato at carnapping sa Koronadal City. Suspek din siya sa pagtangay sa motorsiklo na nakaparada malapit sa traffic light ng Koronadal noong Marso 3, 2018.  

Show comments