2 ‘pusher’ huli sa P6.8 M shabu

Kinilala ang mga suspek na sina Darangi Angatong alyas “Salaudin” at Lendi Asiw Mangondacan na kapwa ginagamot sa Wao District Hospital.

MANILA, Philippines —  Dalawang pinaghihinalaang big-time drug pusher ang sugatan at naaresto matapos makumpiskahan ng nasa P6.8 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation na nauwi sa shootout sa Brgy. Eastern, Wao, Lanao del Sur kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga suspek na sina Darangi Angatong alyas “Salaudin” at Lendi Asiw Mangondacan na kapwa ginagamot sa Wao District Hospital.

Sa report ni PRO-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Regional Director P/Brig. Gen. Marni Marcos Jr., dakong alas-12:30 ng hapon nang isagawa ang buy-bust operation ng pinagsanib na puwer­sa ng Philippine Drug Enforcement Agency-BARMM kasama ang Wao Municipal Police at 34th-IB ng Phi­lippine Army sa Purok 7 Kapigis, Brgy. Eastern ng bayang ito.

 Ang mga suspek ay kapwa sugatan nang tangkain umanong manlaban sa anti-drug ope­ratives.

Nakumpiska sa dalawa ang mahigit isang kilo ng shabu, mga drug pa­raphernalia, kulay asul na KIA Picanto (ZFN 679), mga ID cards at P10,000 marked money.

Show comments