PCG personnel timbog sa droga

MANILA, Philippines — Bagsak kalaboso ang isang tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) maka-raang maaresto sa buy-bust operation sa Brgy. Tayuman, Binangonan, Rizal kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang nasakoteng suspek na si Petty Officer 3 Herbert Velasco, aktibong kasapi ng PCG.

Sa ulat ng Rizal Police, dakong alas-4 ng madaling araw nang masakote ang suspect sa buy-bust ope­ration sa Brgy. Tayuman, Binangonan.

Nakumpiska ng mga  awtoridad mula sa pag-iingat ni Velasco ang 21 sachet ng illegal na droga.

Show comments