Tserman pinasok, pinatay
Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - May 23, 2019 - 12:00am

NUEVA ECIJA  , Philippines  —  Wa­long araw matapos ang 2019 midterm elections, isang incumbent barangay captain ang nasawi makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang salarin sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Ganaderia sa lungsod ng Palayan noong Martes ng umaga.

Kinilala ni P/Col. Leon Victor Rosete, Nue­va Ecija Police provincial commander, ang biktima na si Beato Bautista Pascua, 54-anyos, may-asawa at kapitan ng Barangay Ganaderia, Palayan City.

Nasawi ang biktima sa mga tama ng bala ng caliber 9mm pistol na tumama sa kanyang dibdib at ulo at idineklarang patay sa Integrated City Health Center.

Sa imbestigasyon, nasa loob lang ng kanyang bahay ang biktima nang dumating ang umano’y nag-iisang salarin at agad siyang pinagbabaril.

Ayon naman sa may-bahay ng biktima na si Ginang Macrina Pascua, wala umano siyang nakikitang dahilan para paslangin ang kanyang mister dahil napakabuti umano nito bilang punong barangay.

2019 MIDTERM ELECTIONS SHOOTING
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with