Motorbanca lumubog: 50 pasahero nasagip
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - May 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maswerteng nakaligtas ang nasa 50 pasahero at crew ng Sam Christopher Vessel matapos na lumubog ito ilang sandali makaraang umalis ng Sta. Ana wharf sa Davao city kahapon ng umaga.

Sa ulat ni Staff Sgt. Sevner Neri, ang imbestigador ng Sta. Ana police station, umalis ang nasabing motorbanca sa nasabing pantalan sa lungsod ng Davao alas-7:55 ng umaga kahapon patungo na sana ng Talicud Island sa Samal Island nang biglang lumubog ang nasabing bangka.

Nabatid na nagkasabit-sabit umano ang isang lubid sa propeller ng bangka dahilan para tumigil ang makina at da­han-dahang lumubog ang nasabing bangka sa gitna ng dagat.

Pero agad namang nakahingi ng saklolo ang drayber ng banka at lahat naman ng mga pasahero na 45 kasama na ang limang mga crew ay mabilis namang nailigtas pasado alas-8:00 ng umaga kahapon.

SAM CHRISTOPHER VESSEL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with