NPA camp nakubkob

MANILA, Philippines — Nakubkob ng tropa ng militar ang isang kampo ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa isinagawang operasyon sa isang liblib na lugar sa Sitio Batangasan, Brgy. San Andres, Tanay, Rizal, ayon sa ulat kahapon.

 Sinabi ni Captain Jay Patrick Retumban, tagapagsalita ng 2nd Infantry Division (ID) ng Philippine Army, ang nasabing kampo ng komunistang grupo ay natunton ng tropa ng mga sundalo  matapos na ituro ng mga nagsisukong kasamahan ng mga rebelde.

Nakumpiska ng mga sundalo ang tatlong mga armas, limang granada at rifle grenade.

 

Show comments