3 drug pusher nasakote

LUCENA CITY , Philippines  —  Aabot sa mahigit isang daang libong pisong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga operatiba ng PDEU at CDEU makaraang malambat sa drug bust ang tatlong hinihinalang tulak na kinabibilangan ng isang babae kamakalawa ng gabi sa Purok 7, Barangay Dalahican dito.

Kinilala ni PLTC. Norman Ranon, chief ng PDEU, ang mga naaresto na sina Romel Salapare, 40; James Cortez, 47; at Josephine Ann Macasaet, 38, pawang mga residente ng nabanggit na lugar.

Ayon sa ulat, dakong alas-6:15 ng gabi nang isagawa ng mga awtoridad na pinamumunuan ni PCapt. Christopher Geronimo ang buy bust operation sa mga suspek na nakumpiskahan ng 8 plastic sachet ng shabu na tumitimbang ng 17.7 gramo.

Show comments