Nauwi sa kamatayan ng isang 14-anyos na dalagita ang kanyang pakikipag-team building sa mga kaklase at kaibigan matapos malunod sa swimming pool na pag-aari ng University of Nueva Caceres (UNC) Ministry sa MT Villanueva, Brgy. Penafrancia, Naga City, Camarines Sur kamakalawa.
14-anyos stude dedo sa team building
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - April 8, 2019 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines  —  Nauwi sa kamatayan ng isang 14-anyos na dalagita ang kanyang pakikipag-team building sa mga kaklase at kaibigan matapos malunod sa swimming pool na pag-aari ng University of Nueva Caceres (UNC) Ministry sa MT Villanueva, Brgy. Penafrancia, Naga City, Camarines Sur kamakalawa.

Isinugod sa ospital pero ‘di na umabot nang buhay ang biktimang si Leona Fria Moreno, Grade 8 student ng UNC Junior High School at residente ng Zone-4, Brgy. Lerma, nasabing lungsod.

Sa ulat, dakong alas-2:30 ng hapon habang nasa swimming pool ang biktima, kasama ang ilang kaibigan kaugnay ng kanilang team building nang magkatuwaan ang magkakaibigan na magkarera sa pabilisan ng paglangoy. Gayunman, habang naglalangoy nakaramdam ng pamumulikat ng binti ang biktima kaya pumunta ito sa mababaw na bahagi at nagpahinga.

Ilang sandali matapos na makapagpahinga ay muli iitong pumunta sa may walong talampakang lalim ng pool pero muli na naman siyang pinulikat at tuluy-tuloy na lumubog. Agad namang sinaklolohan ang biktima ng mga kasamahan at iniahon pero wala na siyang malay dahil sa pagkalunod. Sinubukan pang isugod sa Naga City Hospital pero dahil sa maselang kalagayan, inilipat ang biktima sa Mother Seton Hospital kung saan siya idineklarang dead-on-arrival.

DROWNED
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with