^

Probinsiya

Sulu encounter: 3 Abu Sayyaf napatay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Sulu encounter: 3 Abu Sayyaf napatay

MANILA, Philippines — Tatlong miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang napaslang sa patuloy na opensiba ng tropang gobyerno sa lalawigan ng Sulu kamakalawa.

Ayon kay Col. Gerry Besana, Spokesman ng AFP Western Mindanao Command, dakong alas-7:58 ng umaga nang ma­kasagupa ng mga elemento ng Marine Battalion Landing Team (MBLT) 3  ang grupo ng mga bandido sa Simisa Island, Banguigui ng lalawigang ito na pinamumunuan ni Abu Sayyaf Sub-leader Najir Arik.

Nabatid na kasaluku­yang nagsasagawa ng security operations ang tropa ng pamahalaan nang masabat ang grupo ni Arik na nauwi sa bakbakan.

Ang palitan ng putok ay tumagal nang limang minuto na nagresulta ng pagkamatay ng tatlong bandido habang masuwerte namang walang  nasugatan sa panig  ng  tropa  ng pamahalaan.

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with