‘Tulak’ tigok, 2 pulis sugatan sa buy-bust
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - March 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bulagta ang isang sina-sabing notoryus na ‘tulak’ ng droga habang sugatan ang dalawang alagad ng batas nang mauwi sa shootout ang isinagawang buy-bust operation ng mga otoridad sa Brgy. Lipao, sa bayan ng Datu Paglas sa lalawigan ng Maguindanao, kamakalawa ng gabi

Dead-on-the-spot ang suspek na si Thong Sambulawan Maido, 44-anyos residente ng nasabing lugar habang nasugatan naman sa insidente sina PO2 Wins­ton Arellano at PO1 Jeffrey Banzon.

Sa ulat ni Maguindanao Provincial Director Supt. Ronald Briones, dakong alas-8:00 ng gabi, nagpanggap na mga buyer ng droga ang dalawang pulis, ngunit nang matunugan ng suspek na pulis ang kanyang ka-deal ay agad niya itong pinagbabaril gamit ang isang kalibre .45 pistola.

Agad namang nakaganti ang dalawang pulis na masuwerteng hindi napuruhan na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.

Agad namang isinugod sa pinakamalapit na pagamutan sina Arellano at Banzon upang malapatan ng lunas.

Nakumpiska sa suspek ang tatlong sachet ng shabu, baril, mga cellphones, motorsiklo, at mga drug paraphernalia.

DRUG BUY-BUST OPERATION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with