Rider lasog sa trike

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  —  Nalasog ang katawan ng isang 21-anyos na rider matapos na salpukin ng tricycle ang motorsiklo nito sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Kinalangan, Del Gallego, Camarines Sur kamakalawa ng hapon. Naisugod pa sa Bicol Medical Center sa Naga City pero namatay habang nilalapatan ng lunas si Mikko Serapion Baylon, residente ng Brgy. Mansalaya.

Sa ulat, dakong ala-1:30 ng hapon, habang binabagtas ng motorsiklo ng biktima ang highway nang okupahin ng kasalubong na tricycle na minamaneho ni Gerwil Tesado, 23-anyos, residente ng Zone-1, Brgy. Poblacion ang kanyang linya. Sinubukan pang umiwas ng biktima pero nagbanggaan pa rin sila ng tricycle dahilan para duguan siyang tumilapon sa kalsada. Agad na isinugod ang biktima sa pagamutan pero namatay din habang ginagamot.

Show comments