Tserman niratrat, utas

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang kapitan ng ba­rangay matapos pag­babarilin ng ‘di pa na­tutukoy na gunman sa Gen. Santos City, kahapon ng madaling araw.

Ang nasawi ay kinilalang si Brgy. Dadiangas North Chairman Arman Mejia, nasa hustong gulang.

Sa ulat, dakong alas-12:00 ng madaling araw nang maganap ang pamamaslang sa biktima.

Habang nasa isang lugar ito sa kahabaan ng Bulaong Ave sa nasabing lugar nang biglang sumulpot ang gunman na nakasuot ng damit na camouflage na sakay ng isang dilaw na Yamaha Mio at walang patumanggang pinagbabaril si Mejia hanggang sa duguang bumulugta saka mabilis na tumakas sa ‘di nabatid na direksyon.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, isang tama ng bala sa ulo at dalawa sa katawan ang agad na tumapos sa buhay ng chairman.

Limang mga empty shells ang narekober ng pulisya sa pinangyarihan ng krimen at inaalam pa ang klase ng armas na ginamit sa pamamaril.

Nabatid na pauwi na sana ang kapitan mula sa pagroronda sa bawat sulok ng barangay nang maganap ang pamamaslang.

Show comments