3 kelot minasaker sa laklakan
Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - February 20, 2019 - 12:00am

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, MANILA, Philippines — Tatlo ang patay habang dalawa pa ang sugatan makaraang pagbabarilin ang mga biktima habang nag-iinuman ng mga hindi pa natutukoy na suspek sa Banahaw St., Brgy. Mabini Homesite ng lungsod na ito, Lunes ng gabi.

Kinilala ni P/Supt. Ponciano Zafra, hepe ng pulis­ya, ang tatlong nasawi na sina Alvin Dela Fuente, 23, binata, college student at tubong Brgy. Pulong Buli, Sto. Domingo, N.E.; Bernardo Naga, 58, binata, at Marius Samin, 25, binata, ng Cadena de Amor St.; kapwa ng Brgy. Villa Ofelia, at pawang tadtad ng bala sa katawan. Ginagamot naman sa magkahiwalay na ospital ang dalawa pang biktima na sina Mariel Alsate, 29, may-asawa, isang duck vendor, ng Banahaw St., Brgy. Mabini Homesite, Cabanatuan City at Jhon Robee Bacani, 18, jobless ng Brgy. Villa Ofelia.

Sa ulat, habang nag-iinuman ang mga biktima dakong alas-8:30 ng gabi, nang biglang dumating ang mga suspek saka sila pinagbabaril. Inaalam pa ng pulis­ya ang motibo sa krimen.

CRIME SCENE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with