Bishop tiklo habang nagsa-shabu!

Bishop Richard Alcantara

CAVITE  , Philippines  —  Arestado ang isang pari at kasama nito matapos na maaktuhan ng mga awtoridad na umano’y bumabatak ng shabu sa loob ng bahay ng isang “tulak” na target ng buy-bust operation sa Tabing Dagat, Brgy. Alima, Bacoor City kamakalawa ng hapon. 

Kinilala ni Cavite Provincial Director Sr. Supt William Segun ang mga naarestong suspek na sina Richard Alcantara, 38-anyos, isang Clergy o Priest Bishop ng Sacred Order of Saint Michael (SOSM), at nakatira sa Marquez St., Brgy. Si­neguelasan, Bacoor at Perlito Alibay, 52-an­yos, mangingisda ng Brgy. Sineguelasan, Ta­bing Dagat, nasabing lungsod. 

Tinutugis naman ang target ng buy-bust na si Fernando Dacuma alias Nanding. 

Ayon kay P/Supt. Vicente Cabatingan, hepe ng pulisya dito, alas-5:00 ng hapon nang ilatag nila kasama ang PDEA-4A ang buy-bust operation laban kay Dacuma at isang pulis ang tumayong buyer.

Nang magkaa­butan ng droga at marked money, dito na nagpakilalang pulis ang buyer pero biglang nagtatakbo patakas si Dacuma. Nadatnan naman ng mga operatiba sina Bishop Alcantara sa loob ng nasabing bahay at naaktuhan umanong nagsa-shabu. 

Nakuha kay Alcantara at kasama nito ang ‘di pa malamang timbang ng shabu at mga drug paraphernalia. 

Show comments