^

Probinsiya

Engineer ng NIA nilikida

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

KIDAPAWAN CITY , Philippines  —    Patay ang isang National Irrigation Administration (NIA) engineer matapos na tambangan ng riding-in-tandem sa Datu Montawal, Maguindanao kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Engr. Joseph Adam, dating municipal engineer ng Datu Montawal Maguin­danao at ngayo’y NIA engineer na nakatalaga sa Mallitubog Maridagao Irrigation Project (MALMAR) sa Pikit, North Cotabato field office. Siya ay dead-on-arrival sa ospital bunsod ng tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat ng Datu Montawal Police, dakong alas-5:30 ng hapon nang tambangan sa Pagagawan ng nasabing bayan ng ’di kilalang gunmen ang biktima habang lulan ng kanyang sasakyan ga­ling sa trabaho at pauwi na sana sa Kabacan, North Cotabato. Dinikitan ng mga suspek ang biktima at pinagbabaril gamit ang caliber .45 pistol. Nang mapuruhan,  mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa liblib na bayan ng Datu Montawal.

Tinitingnan ng pulisya ang personal na alitan at sa kanyang trabaho na motibo sa pagpatay sa nasabing opisyal ng gobyerno.

vuukle comment

CRIME

NATIONAL IRRIGATION ADMINISTRATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with