Granada itinamin malapit sa iskul

Ito’y bago ang pagbubukas ng mga polling precincts para sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law (BOL) nitong Lunes at matapos naman ang insidente ng pagpapasabog sa compound ng bahay ni Judge Angelito Rasalan sa lungsod kamakalawa ng gabi.

Sa kasagsagan ng plebisito ng BOL

MANILA, Philippines — Nabulabog ang mga residente matapos isa na namang granada ang matagpuan sa kahabaan ng pathway patungo sa isang eskuwelahan sa sekondarya sa Brgy. Rosary Heights 1, Cotabato City kahapon ng umaga.

Ito’y bago ang pagbubukas ng mga polling precincts para sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law (BOL) nitong Lunes at matapos naman ang insidente ng pagpapasabog sa compound ng bahay ni Judge Angelito Rasalan sa lungsod kamakalawa ng gabi.

Sa ulat, sinabi ni Major Arvin Encinas, spokesman ng Army’s 6th Infantry Division (ID), ang eksplosibo ay natagpuan dakong alas-7 ng umaga sa lugar may 20 metro ang layo sa Rojas High School.

Kasalukuyang naglalakad ang isang sibilyan sa lugar nang makita nito ang nasabing granada sa tabing kalsada kaya agad itong inireport sa mga brgy. tanod na tumawag sa pulisya.

Ang granada ay natagpuan may 100 metro ang layo rin mula sa Cotabato City Police na matatagpuan sa PC Hill ng lungsod.

Iniimbestigahan ng pulisya kung may kaugnayan sa plebisito ng BOL sa Cotabato ang pagtatanim ng granada sa lugar.

Show comments