^

Probinsiya

Motorsiklo sinalpok ng bus: 1 patay

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Motorsiklo sinalpok  ng bus: 1 patay

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  —  Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang rider habang sugatan ang kanyang dalawang angkas matapos mabangga ng bus ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa intersection ng Maharlika National Highway sa Brgy. Sta Cruz sa Ligao City kamakalawa ng umaga.

Sinubukan pang isugod sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital sa Legazpi City pero idineklarang dead-on-arrival ang biktimang si Rolly Pidemonte, 23, ng Brgy. Bobonsoran, sa lungsod na ito. Sugatan naman ang mga angkas na si Christine Reperoga at Regie Serdon, kapwa residente ng Brgy. Tinago.

Sa ulat, dakong alas-5:15 ng umaga, binabag­tas ng Raymund Bus (AAN-2887) na minamaneho ni Boboy Cornelio, 42-anyos, ng Brgy. La Purisima, Pili, Camarines Sur ang highway nang biglang tumawid ang motorsiklo ng mga biktima sa crossing na patungo sanang sentro ng Ligao City kaya nabangga ng bus.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang rider at mga angkas sa sementadong kalye. Agad silang sinaklolohan ng mga residente at isinugod sa ospital pero ‘di na umabot pang buhay ang driver ng motorsiklo.

Sumuko naman sa mga rumespondeng pulis ang driver ng bus na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and multiple injuries.

vuukle comment

ACCIDENT

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with