^

Probinsiya

Magsasaka timbog sa 3 baril

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
Magsasaka timbog sa 3 baril

TALAVERA, Nueva Ecija  , Philippines  —   Kalaboso ang isang magsasaka matapos na mahulihan ng tatlong hindi lisensyadong baril sa Brgy. Sicsican Matanda sa bayang ito, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni P/Supt. Alexie Desamito, hepe ng Talavera Police, ang suspek na si Ronnie Novesteras, 46, may-asawa, ng nasabing lugar.

Matapos mabigong magpakita ng mga lehitimong dokumento, ina­resto si Novesteras sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Judge Fraziervin Vitervo, exe­cutive judge ng Regional Trial Court (RTC) Guim­ba Branch 33.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang  M16 armalite rifle, isang kalibre .45 pistola at isang kalibre .22 revolver. Bukod sa mga baril, nakuha rin sa kanyang pag-iingat ang iba’t ibang mga bala at military paraphernalia kabilang ang bandolier.

Magsasagawa naman si Desamito ng ma­lalimang imbestigasyon upang alamin kung papaanong ang isang karaniwang mag­sasaka na tulad ni Novesteras ay nakapag-imbak ng ganoong karaming uri ng mga baril.

vuukle comment

ARRESTED

FIREARMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with