^

Probinsiya

Tanod, 1 pang ‘tulak’ timbog sa buy-bust

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Tanod, 1 pang �tulak� timbog sa buy-bust

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  —  Kalaboso ang isang barangay tanod at kasamang obrero na parehong umano’y drug pusher at itinuturing na high value target (HVT) matapos maaresto nang makuhanan ng P1 milyong halaga ng shabu sa inilatag na buy-bust operation ng pulisya, PDEA at militar sa San Miguel Street, Zone-3, Brgy. San Felipe, Naga City, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga suspek na sina Roel Lizano, 48-anyos at Carlito Alegre Jr., 37, construction worker, matapos nilang iabot ang droga. Sa ulat, dakong alas-6 ng gabi, sa tulong ng 9th Infantry Division ng Philippine Army at PDEA-5, inilatag ng Naga City Police-DEUT sa pangunguna ni Supt. Errol Garchitorena ang buy-bust operation laban sa mga suspek.

Nang iabot ng mga suspek ang isang sachet ng shabu kay PO3 Anthony John Manaog na umaktong buyer ng droga ay agad silang inaresto ng huli at mga kasamang pulis. Nakuha kay Alegre at Lizano ang 165 gramo ng shabu na nasa P1,112,000 ang halaga at mga drug paraphernalia.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with