2 motor nagsalpukan: Sekyu dedo

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Nasawi ang isang 51-anyos na sekyu habang sugatan ang isang Kagawad ng Barangay matapos magsalpukan ang kanilang motorsiklo sa Brgy. Centro Abulug, Cagayan kamakalawa.

Sa report ng Pulisya ang sekyu na si Glen Mar De San Jose ang umagaw ng linya na nagsanhi ng salpukan nila ni Kagawad Jovencio Jamon, 45 ng Brgy. Sirit dakong alas-12:30 ng tanghali. Kapwa isinugod ang dalawa sa Ballesteros District Hospital subalit inilipat si De San Jose sa Cagayan Valley Medical Center dito kung saan siya nalagutan ng hininga.

Show comments