^

Probinsiya

Indonesian hostage, pinalaya na ng Sayyaf

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Indonesian hostage, pinalaya na ng Sayyaf

MANILA, Philippines — Matapos ang apat na buwang pagkakabihag, pinalaya na ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang Indonesian national na hinostage sa kagubatan ng Sulu nitong Martes ng hapon.

 Kinilala ni Col. Gerry Besana, spokesman ng AFP-Western Mindanao ang pinalayang hostage na si Juragan Kapal Samsul Saguni.

 Si Saguni ay inihatid ng emisaryo ng ASG sa bahay ni dating Sulu Governor Abdusakur Tan sa Pobla­cion, Maimbung, Sulu dakong alas-4:30 ng hapon  at mula rito ay sinundo ng tropa ng 41st Infantry Battalion at ng 11th Infantry Division (ID), kapwa ng Philippine Army.

 Sinabi ni Besana na si Saguni at kasamahang tri­pulanteng si Usman Yunos, pawang ng Malaysian fishing trawler/vessel ay binihag ng ASG sa karagatan ng Semporna, Sabah, Malaysia noong Setyembre 11, 2018 saka sila dinala sa gubat at inilipat-lipat ng taguan ng mga kidnaper sa Sulu.

 Si Yunos, 35-anyos ay nasagip ng mga elemento ng Marine Battalion Landing Team (MBLT) 3-Philippine Marine Ready Force Sulu at Sulu Provincial Police Office noong Disyembre 6, 2018.

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with