^

Parak itinumba ng tandem

Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - December 30, 2018 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines — Isang pulis ang nasawi matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem habang ang biktima ay naka-duty sa bayan ng Purok Francisco, Barangay Purikay, Lebak, Sultan Kudarat, Biyernes ng umaga.

Kinilala ni Lebak Chief of Police, Chief Inspector Randy Eliarda ang biktima na si PO3 Jeffrey Manalo na idineklarang dead-on-the spot dahil sa tama ng bala sa ulo.

Ayon kay Eliarda, dakong alas-10:00 ng umaga nang magpaalam umano si Manalo sa kanya na aalis lamang ng opisina dahil mayroon siyang imomonitor sa labas. Makalipas ang ilang minuto, nakatanggap na lamang sila ng ulat na binaril ang nasabing pulis sa Purok Francisco, Barangay Purikay.

Lumalabas sa imbestigasyon na sinundan ng riding-in-tandem suspect ang biktima at binaril nang malapitan sa ulo.

Naniniwala si Eliarda na may kaugnay sa trabaho ni Manalo ang motibo sa pagpaslang sa kanyang tauhan. Aniya, isang police intelligence officer si Manalo at aktibo sa kampanya kontra ilegal na droga sa Lebak.

COP KILLED BY RIDING-IN-TANDEM
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with