Rider tigok sa road mishap

CAVITE, Philippines — Nasawi ang isang 27-anyos na barbero habang sugatan ang isang rider matapos sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa isang tricycle na kinukumpuni sa gilid ng kalsada, kamakalawa sa Brgy. de Ocampo, lungsod ng Trece Martires. Dead-on-the-spot ang biktimang si Michael Profeta, 36, may asawa, ng Brgy. San Agustin, ng naturang lungsod. Masuwerte namang puro gasgas lang sa katawan ang tinamo ng rider na nadamay lang sa aksidente na si James Eldrick Lagac, 27, ng Brgy Luciano. Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:00 ng madaling araw, habang sakay ang biktima ng kanyang motor at binabagtas ang kalsada sa naturang barangay nang bigla itong sumalpok sa inaayos na tricycle sa gilid ng kalsada na pag-aari ni Bryan Cauceran. Sa lakas ng impact, napunta sa bandang gitna ng kalsada ang tricycle dahilan upang sumalpok dito ang isa pang paparating na motorsiklo na minamaneho ni Lagac. Kapwa tumilapon ang dalawang driver ng motor at sumadsad sa kalsada. Napuruhan ang biktima sa ulo na agad nitong ikinamatay habang bahagyang nasugatan si Lagac.

Show comments