^

Probinsiya

Vice mayoralty bet itinumba sa simbahan!

Raymund Catindig, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Vice mayoralty bet itinumba sa simbahan!
Dead-on-arrival sa Dr. Chan Hospital sanhi ng mga tama ng bala ng baril sa katawan ang biktimang si Councilor Benjamin “Junjun” Oculto Jr. ng Brgy. San Marcos, Sto.Tomas, Pangasinan.

MANILA, Philippines — Patay ang isang konsehal ng Pangasinan matapos siyang pagbabarilin ng apat na suspek, isa rito ang na­aresto at nasugatan sa shootout, sa labas ng simbahan matapos na dumalo sa Sunday mass kahapon ng umaga sa bayan ng Sto. Tomas, nasabing lalawigan.

Dead-on-arrival sa Dr. Chan Hospital sanhi ng mga tama ng bala ng baril sa katawan ang biktimang si Councilor Benjamin “Junjun” Oculto Jr. ng Brgy. San Marcos, Sto.Tomas, Pangasinan.

Kinilala naman ng pulis­ya ang isa sa mga suspek nasugatan na si Junjun Vidal, 40, ng Brgy. Hermosa, Tepo, Bataan.

Si Oculto ay tatakbong vice mayor sa nasabing bayan sa 2019 elections.

Ayon kay Police Regio­nal Office 1 Regional Director Chief Supt. Romulo Sapitula, dakong alas-10:30 ng umaga nang pagbabarilin ang biktima ng mga suspek. Kalalabas lamang umano nito sa Jesus Christ Church na matatagpuan sa Brgy Pob. West, Sto. Tomas nang habang tumatawid ang konsehal ay bigla na lamang lumabas sa isang nakaparadang sasakyan ang isa sa mga suspek at saka siya pinagbabaril.

Mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng Toyota Corolla na walang plaka habang mabilis namang nakaresponde ang mga nagpapatrolyang pulis kaya nagkaroon ng palitan ng putok. Bunsod nito, nasugatan sa barilan ang isa sa mga suspek na si Vidal at narekober mula sa kanya ang isang M-16 armalite at mga bala habang mabilis na nakatakas ang tatlo niyang kasama.

Pulitika ang isa sa tini­tingnang motibo ng pulisya sa pamamaslang sa biktima habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa kaso.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with