^

Probinsiya

Holdaper ng STL collector utas sa shootout

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
Holdaper ng STL collector utas sa shootout
Sa ulat ng Aliaga Po­lice, inaalam pa nila ang pagkakakilanlan ng napaslang na suspek na responsable umano sa panghoholdap sa STL bet collector na si Rolando Baldonado, 55, isa ring E-load retailer at lending money collector ng Barangay Poblacion East II, sa nasabing bayan.

NUEVA ECIJA  , Philippines  —  Bulagta ang isang hinihina­lang holdaper habang na­ka­takas ang isa pa makaraang makaengkuwentro ang mga pulis na rumesponde sa ulat na isang STL bet collector ang kanilang biniktima at tinangayan ng pera sa Brgy. Poblacion Centro, bayan ng Aliaga noong Martes ng gabi.

Sa ulat ng Aliaga Po­lice, inaalam pa nila ang pagkakakilanlan ng napaslang na suspek na responsable umano sa panghoholdap sa STL bet collector na si Rolando Baldonado, 55, isa ring E-load retailer at lending money collector ng Barangay Poblacion East II, sa nasabing bayan.

Ayon sa biktima, pa­uwi na siya sa kanyang bahay bandang alas-7:30 ng gabi nang harangin at tutukan siya ng baril ng dalawang suspek lulan ng kulay itim na Kawasaki Bajaj CT100 na walang plaka at sapilitang kinuha ang sling bag nito na may P1,950 cash na koleksyon, STL paraphernalia at mga identification cards.

Dahil dito, agad na humingi ng tulong sa pulisya ang biktima dakong alas-7:43 ng gabi hanggang sa isagawa ang dragnet operation sa pamumuno si P/Chief Insp. Domingo Apan katuwang ang mga elemento ng 1st PMFC, sa pamumuno naman ni SPO1 Andy Cando. Nang kanilang matunton ang mga suspek, agad umano silang sinalubong ng pu­tok sanhi ng shootout. Isa sa suspek ang bumulagta at dahil sa madilim ang lugar ay nagawang makapagtago at makatakas ng isa pang suspek.

Narekober sa crime scene ang apat na FCC ng cal 9mm; isang cal .38 revolver na may tatlong bala at dalawang fired cartridge case.

Nabawi rin ang sling bag ng biktima at mga laman nito habang narekober ang motorsiklo ng mga suspek na walang plaka.

vuukle comment

CRIME

HOLDAPER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with