Banana plantation inatake ng NPA: 6 sekyu sugatan
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - December 8, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sugatan ang anim na mga security guard ng isang banana plantation makaraang sumalakay ang ‘di mabilang na mi­yembro ng New People’s Army (NPA) ng Guerilla Front Committee 53 sa Brgy. Dallag, Arakan, North Cotabato, gabi nitong Huwebes.

Kinilala ang mga sugatang biktima na sina Jerry Cansico, Ramar Embay, Naseran Embana, Joel Algocoy, Nelson Ampugo at Christoval Felix, nakatalaga sa Lapanday Banana Group of Companies sa Brgy. Dallag, ng nasabing bayan.

Sa panayam kay P/Sr. Insp. Jose Mari Molina, hepe ng Arakan Police, alas-8:45 ng gabi nang umatake ang NPA sa Lapanday banana plantation kaya napilitan na lumaban ang mga guwardya na bantay dito. Tumagal umano ng halos isang oras ang palitan ng putok na ikinasugat ng anim na guwardya buhat sa M79 grenade launchers ng kalaban.

Sinasabing umatras ang NPA patungo sa bulubundukin ng bayan ng Arakan nang matunugan nila ang paparating na tropa ng militar at pulis­ya.

Pangingikil ang natatanaw ng mga otoridad na motibo sa pagsalakay ng NPA sa plantasyon.

CRIME NEW PEOPLE’S ARMY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with