2 ‘pusher’ dedo sa buy-bust

Kinilala ni P/Supt. Criselda De Guzman, acting chief of police, ang nasawing mga suspek na sina Edgardo Veneracion alyas Ed, ng Villaluz Subdivision, Brgy. Mabini Homesite; at isang alyas Erwin.

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija  , Philippines  —  Dalawang hinihinalang drug pusher ang napatay matapos umanong manlaban sa ikinasang buy-bust ope­ration ng pulisya noong Martes ng gabi sa St. Joseph St., Barangay Zulueta, ng lungsod.

Kinilala ni P/Supt. Criselda De Guzman, acting chief of police, ang nasawing mga suspek na sina Edgardo Veneracion alyas Ed, ng Villaluz Subdivision, Brgy. Mabini Homesite; at isang alyas Erwin. 

Sa ulat, alas-11:00 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation sa koordinasyon sa PDEA at isang pulis ang nagpanggap na buyer ng droga kay Veneracion sa binibiling P500 halaga ng shabu. 

Gayunman, hindi pa natatapos ang tran­­saksyon ay bigla uma­nong bumunot ng baril ang mga suspek at pinagbabaril ang mga pulis sanhi upang gumanti ang mga operatiba na nagresulta ng pagkasawi ng dalawa.

Show comments