Retired cop todas sa tandem

Sa ulat, sakay ang biktimang si retired police Ronaldo “Apol” Alag, ng Mirasol, Mandurriao at papunta na sana sa bahay ng kanyang kapatid na dating kapitan at ngayo’y Kagawad na si Marcelo “Siloy” Alag nang pagbabarilin ng dalawang suspek alas-8:00 ng umaga.
File Photo

MANILA, Philippines — Patay ang isang retiradong pulis matapos na ratratin ng riding-in-tandem habang minamaneho ang kanyang van sa Villa Anita, sa IloIlo City, kahapon ng umaga.

Sa ulat, sakay ang biktimang si retired police Ronaldo “Apol” Alag, ng Mirasol, Mandurriao at papunta na sana sa bahay ng kanyang kapatid na dating kapitan at ngayo’y Kagawad na si Marcelo “Siloy” Alag nang pagbabarilin ng dalawang suspek alas-8:00 ng umaga.

Ayon kay alyas Kik, inabangan umano ng dalawang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo si Alag at habang papaliko ang huli lulan ng kanyang Nissan Urvan ay dito na siya pinagbabaril. Nagawa pa umanong makaganti ng putok ni Alag subalit naunahan ng isa sa suspek. Nagtamo ng tama ng bala ang biktima sa kanyang balikat at iba pang bahagi ng katawan. Isinugod ang biktima sa Iloilo Doctor’s Hospital pero idineklarang patay.

Show comments