Kagawad, 2 pa sugatan sa pamamaril

COTABATO CITY  , Philippines  —  Nasa malubhang kalagayan ngayon ang isang barangay kagawad at dalawang iba pa matapos pagbabarilin ng ‘di pa nakikilalang mga gunmen sa Cotabato City, kamakalawa ng gabi. Sa ulat ng pulisya, kinilala ang mga biktimang sina Barangay Rosary Heights 7 Kagawad Tokan Mamalangkas, driver nito na Abubakar Ali, at isang senior citizen na si Sulva Guimal. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-7:00 ng gabi habang pauwi sa kanyang tahanan si Mamalangkas sakay ng kanyang motorsiklo at angkas si Ali nang pagsapit sa Gonzalo Javier St. sa nasabing barangay nang biglang sumulpot ang mga armadong salarin at saka nirapido ng bala.

Nahagip naman ng bala si Guimal. Agad namang naisugod ng mga sumaklolo sa pagamutan ang mga biktima kung saan nabatid na pinakamalubha ang kondisyon ni Mamalangkas dahil sa dami ng tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang bahagyang nasugatan lamang sina Ali at Guimal.

Show comments