Kambing, nagluwal ng ‘sanggol’

Isang kambing ang nagluwal ng tila anyong tao na pinagkaguluhan ng mga residente sa Sto. Niño, South Cotabato at nag-viral sa social media. Magkasabay na namatay ang inang kambing at kanyang isinilang na anak na lumobo ang katawan.
(Courtesy: Cris Tine)

MANILA, Philippines — Palaisipan at nagdulot ng kababalaghan sa mga residente sa bayan ng Sto. Niño sa South Cotabato ang bagong luwal na kambing dahil sa anyong tao ito.

Ayon kay Cris Tine, ang kumuha ng litrato sa pag-anak ng nasabing kambing at kapitbahay ng may-ari ng hayop na kumalat sa social media na hindi umano maipaliwanag ang anyo ng kambing na hugis sanggol o maikukumpara rin sa isang baboy ngunit may mga paa na katulad din ng sa kanyang inang kambing.

Maging ang mga re­si­dente na nakakita sa na­bang­git na hayop ay hindi makapaniwala sa tila anyong tao ng bagong silang na kambing.

Agad na nag-viral ang kuha nito na kanyang ini-upload sa Facebook nitong Nobyembre 1, pasado alas-8:00 ng gabi sa mismong Araw ng mga Patay.

Posible umanong nagkaroon ng abnormalities ang kambing habang buntis ito.

Agad umanong namatay ang kambing matapos na makapanganak kasabay ng pagkamatay ng bagong silang na anak nito.

Sa kabila nito, naniniwala pa rin ang mga residente na may dalang suwerte ang ‘di matukoy na nila­lang. 

Show comments