Jeep tumagilid: 2 patay, 40 sugatan

MANILA, Philippines — Dalawa ang patay habang 40 katao ang nasugatan matapos na mawalan ng preno ang isang pampasaherong jeep kamakalawa sa Zamboanga City.

Dead-on-the-spot sa lugar ng insidente ang biktimang si  Hamir Dela Cruz, 30, construction worker habang ginagamot sa Zamboanga City Sanitarium Hospital si Elvis delos Reyes, 38, construction worker na naputulan ng kaliwang binti at ang iba namang biktima na nagtamo ng sugat sa kanilang ulo at katawan ay dinala sa ibat ibang pagamutan.

Dakong alas-7 ng umaga noong Sabado habang bi­nabagtas ng isang pampasaherong jeep (JVC 534) na minamaneho ni Dessy Jon Enriquez ang kahabaan ng Brgy. Lanzones patungo sa Zamboanga City at may sakay na mga pasahero at iba’t ibang paninda sa palengke nang bigla na lamang nawalan ng preno. Nawalan ng kontrol ang  driver sanhi upang biglang tumagilid at maipit sina Dela Cruz at delos Reyes na naging sanhi ng kanilang kamatayan.

Lumalabas na overloaded at habang papaakyat sa Zone 1 ng Brgy. Lanzones at Zone 3 Brgy. Guisao ay nagkaroon ng problema sa preno  at nawalan ng kontrol ang driver sa manibela kaya pumaling ito sa kaliwang bahagi ng sasakyan at tumagilid.

Kaagad namang naaresto and driver ng jeep at kasalukuyang nakapiit sa Zamboanga City Police Station 4 habang inihahanda ang kasong reckless imprudence resulting to double homicide at multiple physical injuries.

Show comments