2 drug peddlers tumba sa shootout

Sa ulat ni Laguna Acting Provincial Director P/Sr. Supt . Eleazar Matta, kinilala ang mga nasawing suspek na sina Ronald Gonzales at Joseph Santos, pawang nasa drug watchlist ng pulisya. Bandang alas-12:40 ng madaling araw nang magsagawa ng buy bust operation ang mga tauhan ni San Pedro City Police Chief P/Supt. Giovannie Martinez sa Brgy. Landayan ng lungsod.
Joven Cagande/File

MANILA, Philippines — Dalawang pinaghihinalaang notoryus na drug peddlers ang napatay matapos na kumasa sa anti-drug operatives sa isinagawang buy bust operation sa San Pedro City, Laguna kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ni Laguna Acting Provincial Director P/Sr. Supt . Eleazar Matta, kinilala ang mga nasawing suspek na sina Ronald Gonzales at Joseph Santos, pawang nasa drug watchlist ng pulisya. Bandang alas-12:40 ng madaling araw nang magsagawa ng buy bust operation ang mga tauhan ni San Pedro City Police Chief P/Supt. Giovannie Martinez sa Brgy. Landayan ng lungsod.

Matapos na iabot ang droga sa poseur buyer ay nakatunog ang mga suspek na parak ang kanilang katransaksyon kaya agad bumunot ng cal. 45 pistol si Santos at sinundan naman ito ni Gonzales at pinaputukan ang mga operatiba. Gayunman, nagmintis ang dalawa at nakipagpalitan ng putok ang mga pulis na ikinatumba ng mga suspek. Narekober sa lugar ang cal. 45 pistol, ilang sachet ng shabu, drug paraphernalias at mga bala.

Show comments