3 obrero patay sa landslide

Ayon kay Bagto, kasalukuyang naghuhukay ang mga biktima ng pundasyon ng riprap nang mangyari ang insidente dakong ala-1:30 ng hapon.
File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  —  Nailibing nang buhay ang tatlong obrero matapos matabunan ng gumuhong gilid ng bundok sa isang construction site sa Shangrila Village, Brgy. San Luis, Baguio City noong Sabado.

Kinilala ni Chief Insp. Eddie Bagto, hepe ng Baguio City Presinto Uno ang mga nasawi na sina John Rey Daus, 20, Jeffrey Walsian, 29 at isang menor-de-edad na nakilala lamang sa pangalang “Beejhay.”

Ayon kay Bagto, kasalukuyang naghuhukay ang mga biktima ng pundasyon ng riprap nang mangyari ang insidente dakong ala-1:30 ng hapon.

Tatlo pang obrero ang nakaligtas at sugatan subalit agad naisugod sa pagamutan.   

Show comments