^

Probinsiya

5 nene ni-rape ng manyak na vendor

Pilipino Star Ngayon
5 nene ni-rape ng manyak na vendor
Sa reklamo ng mga bata, habang naglalaro ay isa-isa silang nilapitan sa magkakahiwalay na araw ng suspek at inalok na tulungan siyang batakin ang kanyang kariton na may kargang mga paninda at pagdating sa tapat ng bahay nito ay dito na niya ya­yayain ang mga biktima na pumasok sa loob ng bahay nito.
File

BULACAN  , Philippines  —  Isang umano’y manyakis na vendor ang pinaghahanap matapos na ireklamo sa panggagahasa sa limang babaeng menor-de-edad  na magkakasunod na naganap sa loob ng bahay nito kamakalawa sa Brgy. Lico at Brgy. Caingin sa bayan ng San Rafael. Kinilala ng pulisya ang tumakas na suspek na kinilalang si Noel Santos alyas Ambo, 43, balut vendor, ng Brgy. Caingin sa bayang ito at sinasabing may kapansanan sa pag-iisip. Sa ulat ni SPO1 Mylin De Guzman ng Women’s and Children Protection Desk, ang mga biktima ay may mga edad na 10 hanggang 12.

Sa reklamo ng mga bata, habang naglalaro ay isa-isa silang nilapitan sa magkakahiwalay na araw ng suspek at inalok na tulungan siyang batakin ang kanyang kariton na may kargang mga paninda at pagdating sa tapat ng bahay nito ay dito na niya ya­yayain ang mga biktima na pumasok sa loob ng bahay nito.

Dito na uumpisahan ng suspek na himasin ang maseselang bahagi ng murang katawan ng bata saka gagahasain. Matapos makaraos, bibigyan ng suspek ang kanyang biktima ng pera saka pagsasabihan na huwag magsusumbong sa kahit kanino. Nabisto lamang ang panghahalay sa limang menor-de-edad nang mapansin na nagiging malulungkutin ang mga biktima at nang komprontahin, dito na ipinagtapat sa kanilang mga magulang ang pang-aabuso.

vuukle comment

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with