^

Probinsiya

Rider salpok sa puno, patay

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE  , Philippines  —  Patay matapos mapuruhan sa ulo ang isang binatang rider makaraang mawalan ng kontrol ang minamaneho nitong motorsiklo at sumalpok sa isang malaking puno kahapon ng madaling araw sa Tagaytay-Na­sugbu Road, Brgy. Neogan, Tagaytay City.  Kinilala ang biktima na si Jeremy Ervin Ramo­nes, 23- anyos, ng #32 Masigla St. Masikap Complex, Sta. Ana Pate­ros, Manila. 

Sa ulat ng pu­lisya, alas-5:45 ng madaling araw habang sakay ang biktima ng kanyang Honda Scoopie (ND 12148) at bumabagtas sa nasabing highway nang biglang mawala sa kontrol at gumewang-gewang. Dahil sa bilis ng takbo, dire-diretso ito sa kabilang lane ng kalsada at saka sumalpok sa ma­laking puno.

vuukle comment

ACCIDENT

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with