Mister na nawawala, natagpuang patay

Halos hindi na makilala dahil sa naagnas at inuuod na nang makita ang ka­tawan ng biktimang si Carlos “Caloy” Bolo, ng Brgy. Panal, Tabaco City habang nakasilid sa isang garbage bag. Sa ulat, dakong alas-8:15 ng umaga nang makalanghap ng masangsang na amoy ang ilang residente mula sa madamong bahagi ng bulubunduking lugar ng barangay.

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Patay na at nasa itim na garbage bag nang matagpuan ng mga residente ang isang 37-anyos na mister na tatlong araw nang nawawala sa kanilang lugar sa Purok-6,Brgy.Canaway sa bayan ng Malilipot, ng lalawigan kamakalawa.

Halos hindi na makilala dahil sa naagnas at inuuod na nang makita ang ka­tawan ng biktimang si Carlos “Caloy” Bolo, ng Brgy. Panal, Tabaco City habang nakasilid sa isang garbage bag. Sa ulat, dakong alas-8:15 ng umaga nang makalanghap ng masangsang na amoy ang ilang residente mula sa madamong bahagi ng bulubunduking lugar ng barangay.

Gayunman, nang kanilang buksan ang garbage bag ay tumambad sa kanila ang  naagnas na katawan ng bik­tima na pinaniniwalaang pinatay sa ibang lugar at itinapon lang sa kanilang barangay.

Isa sa tinututukang anggulo ng mga pulis na posibleng motibo ay ang malaking pagkakautang umano ng biktima.

Show comments