Narco-cop, 3 pa utas sa tandem

Sa inisyal na ulat ng Talisay City Police, kinilala ang nasawing parak na si PO3 Michael “Micmic “ Cortez, isa sa mga pulis na tinukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte na nasa drug watch list.
File Photo

MANILA, Philippines — Patay ang isang pulis na nasa narcolist ni Pangulong Rodrigo Duterte at tatlong iba pa matapos na paulanan ng bala ang behikulong sinasakyan nito ng ‘di pa natutukoy na mga gunmen sa naganap na ambush sa Brgy. Pooc, Talisay City, Cebu nitong Biyernes ng tanghali.

Sa inisyal na ulat ng Talisay City Police, kinilala ang nasawing parak na si PO3 Michael “Micmic “ Cortez, isa sa mga pulis na tinukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte na nasa drug watch list.

Kabilang pa sa mga nasawi ay ang basu­rerong si Zeni Ranjos, residente ng Brgy. Linao ng lungsod na tinamaan ng ligaw na bala matapos na mapadaan sa lugar.

Ang dalawa pang namatay na biktima na magkakasabay na tumimbuwang sa lugar ay patuloy namang ina­alam ang pagkaka­kilanlan.

Bandang alas-12:00 ng tanghali ka­saluku­yang lulan ng behikulo si Cortez ka­sama ang dalawang iba pa nang biglang sumulpot ang riding-in-tandem saka sunud-sunod na pinaputukan hanggang sa duguang bumulagta.

Patuloy ang masu­sing imbestigasyon ng mga otoridad sa kasong ito. (With trainee Hermie Rivera)

Show comments