3 timbog sa P.7-M shabu

BACOOR, Cavite , Philippines  —  Arestado ang tatlong sinasabing bigtime na ‘pusher’ ng shabu matapos matimbog sa isinagawang buy-bust operation ng mga otoridad at makumpiskahan ng mahigit sa kalahating milyong halaga ng droga sa Brgy. Zapote, kama­kalawa ng gabi.  Tumataginting na P717, 468.00 halaga ng shabu ang nasamsam sa mga suspek na sina Archie Saliba, 25; Jhon-Jhon del Rosario, 18; at Ana Clarisse Gilos, 26; pawang mga nakatira sa Sitio Thailand Longos, ng naturang lugar. 

Ayon sa ulat ng Bacoor City Police, dakong alas-10:30 ng gabi nang ikasa ang operasyon laban sa mga suspek.  Nakumpiska sa mga ito ang  8 piraso ng selyadong transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu na may timbang na 105.51 gramo at nagkakahalaga ng  Php 717,468.00.

Show comments